mukang wala na talaga akong pag-asang umasenso sa math. este, algebra. ewan. pag nakakakita ako ng problem na numbers...nababaliw na utak ko. parang sasaniban na ba. yung pakiramdam na may bubulong sayo na "hindi mo kaya yan. lumipat ka na sa ibang number" tapos, lilipat ka naman. babasahin ang tanong at uulit ang eksena sa brain mo. hanggang sa in the end wala ka nang nasagutan dahil sa "lilipat ka" sa ibang problem. buti pa ang ibang utak, tinatamad magbasa ng problem kapag mahaba. e kamusta naman ang brain cells ko, nabasa na...namugto na mata ko kakabasa...na-drain na lahat ng pwedeng ma-drain...mali parin ang sagot. grabe.
minsan tinanong ko sarili ko. bakit ko ba kelangan ng math...? e ni hindi nga ako mag-engineering sa college? wala din akong balak na kumuha ng course na may duguang math. buti pa ang letters, nakakabuo ng wika na isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura, o kaya naman ung meaning ni sir bo na ang wika ay kahit anong tunog na naiintindihan ng kapwa mo tao. e numbers ba nakakaform nang sentence??? eg: 45 0960 183+ 97 +++ ==... kamusta ang kalalabasan nun. Haha.
Dun sa binasa kong libro...ng walang iba kundi si Bob Ong ang gumawa...may alibugho din siya sa nasabing subject na mamumugto ang mata mo kakabasa at madre-drain ang lahat ng pwedeng ma-drain sa katawan mo. panu ba naman kasi, mababaliw ka. kung sa english, pede pa iconsider ang wrong spelling...dito, ma-wrong number ka lan, kahit .000001, mali na.
Masosolve ba ng math ang crisis ng pilipinas sa bigas? bababa ba ang kuryente sa meralco pag nasolve ko ang quardatic equations? may theory ba sa geometry na nagpapaliwanag kung bakit maraming masamang tao sa mundo na walang ginawa kungdi pumatay at magnakaw? may magagawa ba ang functions sa mga tiwaling gobyerno? ewan. magulo ang buhay. magulo ang mundo. kaya nagtataka ako kung bakit may ingredient na kasama sa life na ang name ay math.
Kung sa bagay nga naman, ma-mumulala ka pag wala kang alam sa math. pano ka nga naman bibili ng pinaka-aasam asam mo na bagay kung hindi ka marunong magbilang? siguro nga may dahilan bakit may math sa mundo. siguro nga may dahilan kung bakit ako nagkakaganito. siguro rin, nung nagbuhos si Lord ng biyaya ng talino sa math, masayang masaya akong nanunuod ng spongebob squarepants habang naglalaro ng lutu-lutuan. malay natin, habang nagbubuhos ng biyaya sa kalangitan, nag-iinternet ka sa internet cafe kung saan tinitignan mo pa ang katabi mo na cute at pilit kang nag-aambisyon na nakatingin din siya sayo. umasa ka pa.
At dahil dito, nagtatapos na ang pag-aaagam agam ko sa dakilang asignatura na umabot pa kay Plato at Newton. Ang subject kung saan mamumugto ang mata mo kakabasa at madre-drain ang lahat ng pedeng ma-drain sa katawan mo... ang walang kamatayang Math. Mag-aaral pa ko. mamamatay na ko bukas bilang isang mandirigma ng kapalaran na walang ibang hinangad kundi ang pumasa man lang sa test sa asignaturang nagpa-drain ng utak ko at nagpadugo ng ilong ko. Haha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
haha!!..super naman toh!..nagpay off naman..ndi ka na-call parent!..
haaaiiyy..kung hindi kaya kinain nila adam and eve ung forbidden fruit may math??
hay naku..:D
hahahahaha!!!
Post a Comment