Monday, September 21, 2009

napuwing

96 days bago magpasko. Its very soon. In less than 100 days, tutunog nanaman ang Jingle Bells, lalabas nanaman ang Christmas Tree na hindi ko mawari ba't pataba ng pataba at pataas ng pataas na parang may bini-beat na record, magpapakita nanaman ang mga makikintab na gift wrapper na in the end ay nakadadagdag sa waste at nagiging cause pa ng pagkakalbo ng bundok dahil sa papel at pigment na ginagamit dito..at higit sa lahat, si Santa Claus na hindi nagaahit ng balbas at suot ang kanyang pulang uniform.

Weird.

Iniisip ko tuloy kung ilang set ang meron siya nun uniform niya sa North Pole. Biruin mo, doble kayod nanaman ang mga elves nia sa pagbabalot at pagpapack ng mga regalo para sa mga batang naniniwala at naging "good and not naughty" bago mag-pasko.

Weird.

Traffic nanaman ang mga kalsada pag weekend. Na siya namang naging cause ng pagiging late ko sa first period ko. Xempre, pupunta na ang mga tao sa Divisoria, para bumili ng ipangreregalo sa anak,inaanak,anak-anakan,anak ng kapitbahay, at kung anu-ano pa.Recession,pero naghihirap nga ba ang bansa?Kung naghihirap nga..baket kaia natatalisod ako sa mall dahil sa ang daming tao?Bakit kaya ngawit na paa ko dahil sa haba ng pila sa counter? Now you know.

Weird.

Mahilig daw magpasikat ang Pinoy.Weeh.Kahit walang pera,basta may maipakita.Pero Pasko nga is the spirit of giving diba?...You be the judge.

Weird.

Kasabay ng pagsikat ng nanay ni Pacman na si Aling Dionisia,ito na nga siguro ang simula ng tinatawag nilang globalization. Wala ka nang makikitang ganyan sa ibang bansa. Kahit sang lupalop ka pa maghanap. Kaya nauuso ang ONLY in the Philippines.

Weird.

Hindi ko rin alam bakit biglang napasok ang pagiging commercial model ni Aling Dionisia dito. ...weeeird


wala na ko masabi
-end-