Thursday, November 27, 2008

twilight *film*

its currently english week so..i HAVE to speak (write) in english
hahaha

yay!!!twilight's now in philippines..im glad that my mom gave me premier tickets for those.. O.o

..nku po..di ko ata kaia mag-english all the way..hahaha
basta

magaling si stephenie meyer..
oo magaling ang imagination niya sa paggawa ng isang bestseller na novel

but the movie lacked something
i mean
maganda paren naman

edward made my heart flutter all through out the movie *haha
bella..naku po, parang lagi xang nanginginig..
jacob..dont know..hindi talaga siya ang naiimagine kong jacob eh
alice..deal na deal!!! she's small,cute,pixie-like..at asteeg nung dinrawing nia ung ballet studio!!!
rosalie..kulang sa beauty..though..she's still a beauty
jasper..parang laging na-tatae siya..ewan..hahaha *siguro due to restrain from biting bella?
emmet..hahaha,asteeg niya!!
esme..really mother-like..hahaha
carlisle..woah..amazing..parang pina-bleach ang hair nia!!hahaha..at ansarap mag-stay sa hospital kung ganyan ang doctor! :))

charlie..well, he's still police
rene..bakit parang hagard ang mom ni bella sa movie??
billy..do you remember the scene where he drives?! kala ko ba pilay siya?!
mike..hahaha..cute xa dun
angela..well..parang malnourished na bata..
eric..ang geeky niya tignan..hahaha
jessica..woah..she acts well as a flirt

james..hahaha..long haired!!
laurent..he looks like bob marley..hahaha..
victoria..so beautiful..and could really pass as a vampire

_____________________________________

well..i really like the movie..it kept my eyes from blinking
pero there's something lacking

magandang nakakadisappoint?

i don't know..
maybe its really impossible to compress an almost 2 inch book into a 2 hour length movie
possible..but no..its wayy impossible
hahaha

it really had some good laughs all the way
but i wished they could have put the scene where there's a blood testing in the bio lab




bella's really clumsy, by the way

hahaha

watch the movie
im not putting any spoilers here

just pure comments
and opinions

^_______^

Friday, November 21, 2008

a smile a day (shoot it..haha)

The first bell rang endlessly. I was running late for my next class. I quickly placed my bag to my shoulders and dashed out of the room. My professor was left smiling as I bid goodbye. It happens everyday.

I ran past the students. Some were just sitting on the floor, traveling in their own world. Others were reviewing for only-God-knows-what. You could see some pairs having their own time, and you could also see some groups chatting about whatever-comes-to-their-mind thing. Me? Oh, still running. Some of my friends stopped me and said their “hi”s. Some just looked at me and continued on what they’re doing.

Then, from afar, I saw you smiling. Smiling, like you wanted to see me. My heart did the thumpathump thing. My pace slowed down and I don’t know if I’m going to stop and say “hey”. My mind kept on racing to what could possibly happen when I already reach you. I smiled at the thought until you said

“Hey…”

I stopped my tracks. And technically, raised my eyebrows. I was going to say something but a voice perked up behind me. I looked behind and saw your girl. I looked back to you. Searching for a clue. Searching if that smile, that genuine smile, is mine.

The bell rang, for the second time. And you are now walking with her. I guess that smile wasn’t meant for me. I guess illusion’s playing tricks on me. But even if fantasy would give me the false reality, I would accept it for your smile a day.

weirder than ever

The rain poured. I can feel the coldness against my windowpane. And as I sighed my flight back to reality, a small fog escaped my mouth. I closed my eyes as tears began to well up.
I then closed my eyes, wishing time to stop at that very moment, very second. I wished I should have not dreamt at all. Cause the feeling that I thought was there, was never really there. I was too naïve to be lost in your eyes, too weak to fall. Because even from the start, I never really had the chance. I had so many dreams, and I can say I got lost in them.

Now I realized that im no princess, and its not my fairy tale. I’ll never be the one to be swept-off-her-feet thing. I’m never gonna be a part of the musical I once dreamed.

But maybe, just maybe, life does some ridiculous humps. Maybe we have to learn to cry so that we can really know happiness is. Maybe we to experience to be lost so that we would know how it is to be found. And maybe, some things should not be for us, so that when we finally reach what’s for us, we will never let them go.

Tuesday, August 26, 2008

ipis part 2



wahehehe...




Mei nakita nanaman akong ipis dito sa bahay. At mukhang siya ay pilay. Hahahaha.




Akalain mong mei pag-asa palang magkaroon ng mutual understanding ang isang hamak na langgam at isang salot na ipis?! Hahaha. Ang sarap nga nila picturan e. Parang naglalaro lang sila sa Luneta. Na parang mag-bf/gf na naghahabulan. So sweeeeeeeeeeeeeet. Hahaha.




Kung mei panahon ako, gagawan ko sila ng research. Na totoo nga ang sinabi sa ecology na lahat ng hayop may kaugnayan sa isa't isa. In English? Everything is connected to each other. At according to Sir Barry, na ang mga tao sa mundong sinilangan at "Stewards of God's Creation", napag-isipan ko narin na ipapagpasa-Diyos ko nalang ang pagkamatay ng lahat ng ipis sa mundo. Siguro nga may rason ang kabuhayan nila sa mundo. Na hindi ko alam. At baka yun nga ang manakot ng libo libong mamamayan ng sanlibutan.




Sabagay, malungkot ang buhay kung walang titili at magsasabing...




"WAIII!! MAY IPIS!!!"




At hindi rin kumpleto ang isang brownout kapag walang nagsasalita ng..




"HALA..NARARAMDAMAN KO NA MAY GUMAGAPANG..."




At lalong hindi rin uubra ang pamahiin ng mga mamboboso(kuliti) kung walang..




"S***! NAKAGAT AKO NG IPIS!"







wahehehehe...

Monday, August 18, 2008

chiguro lang naman

Siguro nga umiiwas ako
Siguro nga tumatawa lang ako
Siguro nga wala lang akong kibo
Ayoko lang kasing mabasag ulit ang salaming minsan ko nang binuo.

Matagal na kong hindi nag-update ng blog ko..hahaha

currently ginagawa ko ang pangalawang vid ng becQz..mahirap actually..pero aus lan, enjoy naman e



Some facts about me:::

i love vanilla

currently addicted to Bugoy

3 language lan tlga ang lagi kong nagagamit: tagalog/english/jap

12 12 ang bday ko


^^ hahaha take my friend test sa fs

wahahahaha

Friday, August 8, 2008

this is becQz

ang katangi-tanging section ko siguro na memorable kahet wla na ko sa makSci

and sana this video will serve as a memory to all

na kabilang

at nakibilang

mga sumasawsaw

at nakikisali

sa section na da best

no other than

_becQz_

Thursday, July 24, 2008

..weee

As of now..wala ako masabi sa blog ko..ang alam ko lang is bumababa na ang prexo ng langis or crude at sana bumaba naman ang prexo ng bigas.


okie ito na ang true post::


Hindi ako ang magpapangiti sayo

Hindi ako ang magpapatahan sayo

Hindi ako ang dadamay sayo

Hindi ako ang hinahanap mo


Dahil kahet kelan, kahet saan, at sa kung anu mang dahilan...


Ako lang ang may kayang magpatawa

Paiyakin ka habang tumatawa

Kasama mo pag lungkot mode ka

At kakailanganin mo kahit san ka magpunta


oh diba? hahahaha


same process..lang copy paste..comment muna bago copy paste..hahaha

Monday, July 21, 2008

//marie//marie//marie//

Nice naman..

mukhang mapapamahal na sa akin ang first name ko na matagal tagal ko ring pinaniniwalaan na para lamang sa mga demyora at mga taong mei natitira pang dignidad. hahaha.

First reason? Dahil sa ito ang binigay na pangalan sa akin bukod pa sa mahaba ko pang pangalan na juliebeth..na di ko rin lam kung san lupalop ng mundo nabuo. Bagamat mahirap i-comprehend kung bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundong earth..ako pa ang nabiyayaan ng pangalang pang-demyora at in fairness..pang panahon ni King Arthur.

Second Reason... isa ito sa mga section ngeong fourth year. At sa kasamaang palad, ito ang kuta ng mga gZ. T___T pero wala na kong magagawa. At least di ako kasama sa mga taong un.hahaha.

Third Reason... name xa ng isa sa mga fav singers ko..especially ngeon!!! Go MARIE DIGBY! Galeng diba?

Try listening to her songs... ganda lahat. Most of her songs were composed by her. Good in guitar..good pa in piano. ^_____^


arigatou gozaimasu!

Saturday, July 19, 2008

the glory and the grandeur that is,was,will, and will ALWAYS be becQz

30 good reasons kung bakit masaya ang mga becQz...


1. AD-HD ang lahat ng tao rito. May kanya-kanyang ka-abnormalan.

2. Lahat mahilig sa pagkaen. Magunaw na ang mundo...makakaen ka lan. (motto ng mga PG..haha)

3. Pag wala kang assignment, umasa kang marami kang karamay. May ilan na nakatulog, ilang natulog, at ibang hindi natulog pero di gumawa kasi tinamad.

4. Hindi uubra ang lahat ng practice kung walang pagkaen sa tabi. Ibig sabihin, kain muna bago practice.

5. Lahat ng play,speech choir, at kung anu mang presentation ay nabubuo ng isang araw. Minsan nga half day lan. Ang mahiwagang sumpa.

6. Asahan lagi ang SSG room pag kelangan ng mapaglalagyan ng props,bag,karton,banig,laptop,piano,kalat,basura,bote..at kung anu anu pa.

7. Mababaet lahat ng boys. Walang maarte. Walang pasaway. Meron man..mejo kontrolado pa. Biro kung biro..serious kung serious. Deal.

8. Maloko ang mga gurls. Minsan di mo malaman kung babae nga ba. Haha. Bi ata lahat ng tao sa becqz..haha.

9. Maloko rin ang adviser. Xempre, like parent like child. hawa-hawa na to.

10. Concerned lahat sa isa't-isa. Walang iwanan sa ere.

11. Kahit sinong kasama mo, hindi ka mao-OP. Wala ata sa language ng becQz yan.

12. Walang malisya. Mag-i lab u ka man sa lahat..i-hug mu na lahat..kaya close kame.

13. Bihira kami sumuod sa teacher..kadalasan sa kaklase kami sumusunod.

14. One for all,all for one. Maghanda ka na ng ipang-cocover up mu sa katabi mu lalo na kung alam mong nag-cutting xa. Haha.

15. Compliment man..or lait..tinatanggap. All comments are accepted. Walang samaan ng loob.

16. Laging may nagpapatawa sa panahon ng stress lalo na pag ipapasa na ang Lab Manual at wala ka pa sa kalahati ng sasagutan.

17. Umasa kang walang kumpleto na notes. Manghihiram ka pa sa ibang section.

18. Lahat ng tao, mei katawagan..pati nga mga teachers meron (although mei iilan na wala dahil wala kaming maicp..)

19. Walang inaapi. Walang nilalait. Hanggang asaran lan kami. Deal sa lahat.

20. Kahit sang sulok ka pumunta sa SSG room..lalo na pag praktis..makakarinig ka ng tumutugtog. Its either ako (keyboard)..bulan(gitara)..vicky(gitara)..rosa(gitara)..ate xe(gitara)..majo(beat box)..ung drum sticks den..di ko lam kung kanino..hahaha.

21. Once na nakawala ka ng gamit mu..at alam mo na sa becQz lan umiikot un..umasa ka na na hindi na sayo nakapangalan ang bagay na yun..dahil pag-aari na un ng becQz kung nagkataon. eg: mga ruler..ballpen..paper

22. Pede kang magpaturo sa mga mahihirap na subject. Anjan si Chi pag math..si Mami Zats or Bulan pag English..si Von pag sa Science.

23. Walang mangingi-alam sayo kahit magpagulong gulong ka sa sahig kakatawa..kahit matulog ka..lamunin pati box ng pizza..basta masaya ka sa ginagawa mo..deal lang.

24. Marami kang kasabayan sa text,puyatan,chat at telebabad.

25. Mababaw lang kaligayahan ng becQz. Kaya lagi kaming tumatawa. Haha.

26. Open lahat sa becQz. Haha.

27. Mei cooperation at unity. Once na sinabi na ng direktor na praktis..praktis. Mamatay na ang hindi pumunta ng SSG room.

28. Expert sa pakikipag-chikahan sa mga teacher. BS Major jan si Fang.

29. Walang on time. Laging late ang 2/3 ng section na to. Kaya lagi ring bengga kei Mam Divine.

30. Kahit makulit kami, kahit natutulog kami, kahit di kami nakikinig, kahit na mukhang niloloko na namin ang teacher..deep inside, sa kaibuturan ng puso..meron parin kaming respeto sa mga ka-guruan. ^__^

At lahat ng ito ay bahagi at naging bahagi ng becQz. Hindi kumpleto yan. Bakit? Kasi pag nilagay ko lahat jan..baka hindi na i-treasure ng ilan ang mga napag-samahan. Mas mabuti na ang ibang info at memories ay memorized natin by heart. At hindi lang dahil sa nabasa kung saan.

grabee..mis ko na becQz

Monday, July 14, 2008

åRmaGgèDoÑ►►►

Panu kung dumating na ang oras na darating na si Lord... handa ka ba? Natanggap mo ba sinner ka? At inaccept mu na Siya? Dapat lang. Lugi ka pag hindi.

Pero, on the other side, nasabi mo na ba sa mga taong mahal mo kung gano mo sila ka-mahal? Napakita mo na ba sa teacher mo na kahit nangungulit ka sa time niya, may respeto paring natitira sa puso mo? Nakapag-sorry ka na ba sa mga taong nilait-lait mo dahil pangit o kaya naman wala ka lang talagang mapagtripan kaya mo siya inaway? Sa tingin mo ba, dapat ka na ngang kunin ni Lord?

Mahirap magsabi ng sagot. Ako mismo, excited na makita na si Lord, sino bang ayaw? Pero, kung titignan ko, so many tasks, so little time. Hindi na siguro kasya sa isang buong linggo ang pakikipag-communicate sa lahat ng taong nasa paligid ko. Gusto ko pang maranasan kung pano mabuhay sa mundo ng walang taning ang buhay. Haha.

Gusto ko pang maranasang umasenso sa math. Grabe, kukunin nalang ako ni Lord, di parin ako naka-ungos sa intelligence ko sa math. Kelangan umabot na ko sa pagiging advance mortal!!! (yess..wat a goal)

Gusto ko pang makaranas sumakay sa barko...kahit nagkanda-lubog na ang iba rito.

Gusto ko pang maka-kain ng durian ng di namomoblema kung gano kabaho ang amoy nito. Hanggang ngeon di parin ako makakakain ng matino dahil dun. Haha.

Gusto ko pang matuto na pumatay ng ipis gamit ang mahiwagang slipper. Na kung saan isang palo lang, swak sa murderous issue ang ipis.

Gusto ko pang makapunta sa ibang bansa. Susme, kukunin na lang ni Lord di pa ko nakaranas ng snow pati fall. Puro nalang ulan at araw. Haha.

Gusto ko pang magkaron ng sariling kwarto. Kung saan pede akong magkalat wantosawa. Haha

Gusto ko pang makapunta ulit sa youth. Grabe, oras lang ang kalaban ko sa lahat ng bagay. T__T

Gusto ko pang matutong tumogtog ng gitara. Grabe, baka kinuha na ko ni Lord at sa langit na lang ako matuto mag-gitara. Haha.

Gusto ko pang ma-break ang 12 hour telebabad ko. Aabangan ko pa kung sino un.

Gusto ko pang maranasang maligawan. Ngeka, baka kunin na ko ni Lord at mabawasan ang magaganda sa mundo. Noooo!!! Haha.

Gusto ko pang magmahal. Kasi wala pa ko dun. Dahil true love waits, antayin ko nalang yan.

Gusto ko pang mag-asawa. Para makasuot naman ako ng puting damit na tinatawag nating wedding gown.

Gusto ko pang manganak. Syempre normal birth kasi ako sesaryan. Haha.

Gusto ko pang mag-ka apo para mei maturuan ako ng mga kalokohan. Haha.

Gusto ko pang mabuhay hanggang sa panahong alam kong I've done enough. Pero kung sa tingin ni Lord ay enough na ang time ko sa mundo, and kung para rin sa ikabubuti ng ibang tao... edi go. I know His will is way better than mine. Kaya papaubaya ako.

I lab u all!!!! God Bless!

mr riGht♥

This past few weeks may nalaman akong makapagbuntong hininga. This past few weeks din nagpapahanap ako ng bf sa mga friends ko. Pero I think I learned my lesson. Di siya exactly na lesson pero sa tingin ko mei point nga.

Hahaha. Nasiraan ata ako ng bait sa mga nalaman ko nung past few weeks. Kea babawi ako.

This time, I'd really wait. Para san pa ang seminar na pinuntahan ko dati kung wala din naman akong matututunan diba? Kaya, if God wants me to wait, then I'll wait. Kaya lang naman ako naghahanap dahil sa sumpang dumapo sa akin. Pero naisip ko na I'm not that low to stoop at that level. Bakit ko ibababa ang sarili ko kung alam ko namang mali diba?

So at times like this, thanks sa lahat ng sponsors...hahaha. 168 mall sa Divisoria for my clothes, bangketa for my slippers, goma ng palengke for my tali sa buhok. Hahaha.

Siguro nga dumarating ang right na tao pag unexpected. Dun lang ung time na maiisip mo na siya nga ang perfect para sayo. O dba?! Malalim un dude..hahaha.

Thanks sa nagsabi sakin nian. Kung kanina nag-thank you xa sakin dahil tinulungan ko siya sa research nia, feeling ko mas malaki ang dapat kong i-thank you. Akalain mong nakagawa ako ng reflection sa sinabi nia? Haha.

God Bless sa lahat!

Sunday, July 13, 2008

åsÅr

naiinis ako pag sinasabihan mo ako ng maganda

naiinis ako pag sinasabihan mo ako ng cute

naiinis ako pag sinasabihan mo ako ng gZ

naiinis ako pag lumalapit ka para humingi ng tulong

naiinis ako pag tatakbo ka sakin at sasabihing "Yes! Bati na kami"

naiinis ako pag lumalapit ka at malungkot ang mukha

naiinis ako pag tumatahimik ka

naiinis ako pag umiiwas ka ng di ko alam

naiinis ako pag sinasabihan mo ako ng basta

naiinis ako pag tumatawag ka at naglalabas ng sama ng loob mo

naiinis ako pag kinukuha mo gamit ko

naiinis ako pag nag-papaawa ka

naiinis ako pag tumatawa ka


...

baket?


kasi,

alam ko namang kahit anong inis ang gawin ko, kahit anong reklamo ang gawin ko, kahit anong dakdak ang gawin ko, at kahit anong bugtong hininga ang ibigay ko..

hindi parin ako ang taong...



maganda sa puso mo

cute sa paningin mo

gZ sa pagmamahal sayo

hihingan mo ng tamang tulong

sisigaw ka pag nagkabati

nadedepress pag nag-kaaway

dadaldalin kahit na nakakahiya

hindi mo iiwasan kahit kelan

hindi mo babastahin

tatawagan para lang mangumusta

kukunin ang gamit at ihahatid pauwi

luluhuran para mag-sorry

at katawanan kahit ma-utot na.

dahil ako ang taga-salo pag may mali ka, kelangan mo ng ka-iyakan, at kaibigang malalapitan.

tama ako diba?

:c

p.s. bawal ang mag-copy paste...mag-comment muna bago mag-copy paste okie..walang angkinan ng gawa..hahaha

Monday, July 7, 2008

çåLL pâRèN+

WOW. Muntik na kong ma-call parent dahil sa math. Haha. Buti nalang nananatiling optimistic ang mundo bago pa ko magwala. Kaya naman, napaka-ligaya ko na hindi ako ma-call parent, dahil paniguradong mangyayare ang kinatatakutan ko. Kasama na nun ang hindi pag-update sa mahal kong blog. Haha.







Sa lahat ng taga MakSci...malapit na tayong grumaduate. Malapit na tayong mag-kanya kanya. In short, dadating na ang araw na kinatatakutan naten na "doomsday". Oo... masaya ang college. Pero iba parin ang high school.







Mamimiss ko ang free time pag walang teacher. Merong naglalaro, may gZ na nagbabasa. Meron din naman na pinuyat kagabi kaya naka-abot na sa lupain ng mga pangarap kakatulog. Meron namang mga kanta ng kanta na kahit di alam ang lyrics, masabi lan na kumakanta. Haha.







Mamimiss ko ang over na crowded pa sa people na canteen. Anyways, yan ang tambayan ng laging gutom at ng mga hari at reyna ng ka-PG-han at mga taong UP (ugaling pulibi.haha). Jan mo makikita ang sandamakmak na chi-chi (short for chichirya)..kikiam..siomai..siopao..hamburger..c2..tubig..nestea..at kung anu ano pa.







Mamimiss ko ang cR kung saan na-adik ako lalo na nung 3rd year. Isa na yan sa mga tambayan ng mga babaing walang magawa pag break. Minsan tinanong ko narin kung cR un kasi laging walang tubig. Haha. Pag kelangan ng water, wala. Pag di kelangan sumasabog sabog pa. Kasama na jan ang mga omni na laging nagagalit pag kaka-mop palang nila tapos susugod ka sa loob na madumi pa ang shoes mo.







Mamimiss ko ang pond. Ang walang kamatayang pond na malas mo pag natalsikan ka ng tubig pag mei nag-vovolley ball or basketball. Suki ng mga tambay na walang maupuan pag intrams.







Mamimiss ko ang kalesa. Ang kalesa na malapit narin atang magiba dahil sa mga loko lokong naglalambitin dun. May mga nakatagong piso pala dun. Tinago ko nung second year... hindi ko na ulit nakuha. Haha.







Mamimiss ko ang covered court. Tambay ako dun pag intrams. Its either tulog or nagwawala. Suki jan ang mga ayaw mag-PE pero gusto maglaro. Gets?







Mamimiss ko ang AVR. Matagal nang tambay ang mga mumakerz (mumu) jan. Hindi man sila nakikita ng naked eye, si monz ou. Haha. nyc monz. Isama mo pa jan ang aircon na malamig pag konti ang tao at halos nag-break down naman pag marami. Dati carpeted yan. Ginawa nilang kahoy para di na raw kami mag-gulong gulong.







Mamimiss ko ang mga classroom. Wala na sa college ang mga maliliit na B na makikita mo sa bawat sulok ng kwarto. Pati narin ang mga naka-frame pa na picture ni Mayor Binay.







Mamimiss ko ang garden, na hindi ko nga alam kung garden. Lagi kasing nasisira pag mei naglalaro ng volleyball sa tabi. Madalas dun nag-pipictorial ang mga vain na walang magawa sa buhay.







Mamimiss ko ang fire exit. Suki jan ang mga cutting na ayaw pahuli sa teacher. Suki narin jan ang mga nagmamahalang nagtatago sa dilim. Haha. Pero minsan ginagamit din yang fire exit na yan pag ang mga emo ay dinagsa ng pagiging emo nila.





Mamimiss ko ang dakilang library. Minsan dati walang xerox. Minsan papaluin mo ang xerox machine para iluwa ang kinain niya na notes mo sa Biology. At yung tipong nagmamadali ka na kasi within 10 mins ipapasa na ang notebook for the 4th grading at nasa 3rd grading parin ang notes mo. Yan ang dakilang cramm.





Mamimiss ko ang stage. Kung saan laging nagaganap lahat ng parte sa buhay ng isang MakSci student. Hindi ka man honor, siguradong makaka-akyat ka rito. Its either natawag ka para mag lead ng flag ceremony or pinagpala kang tawagin dahil ang ingay mo. O kaya naman (for the boys) pinaakyat ka sa taas dahil gugupitan ka na ni Mam Go ng buhok.





Mamimiss ko ang blackboad. Dati, nung panahon pa ng 1st to 2nd year era... mei pang graph ang board.. Nakakamiss mag vandal sa board. Nakakamiss din ang pag-chichinese garter namin sa klase.





Mamimiss ko ang locker. Kahit na nasa bingit yan ng kamatayan pag solian na ng libro. At madalas pag may sinasapian, nag susunog ng locker. Pero kahit ganyan yan, mamimiss ko yan dahil yan ang dahilan kung bakit lagi akong walang dala.





Mamimiss ko ang chairs. Wala ka nang makikita sa ibang school na nag-aaway na batch sa pamamagitan ng vandals sa chairs. Sagutan kung sagutan...wag lan bastusan.





Mamimiss ko ang mga homeworks... na tipong ipapapass bukas tapos mukhang imposible mong matapos kasi nakatulog ka bago ka pa magsimula. Haha. Lalo na ang mga projects na hindi mo na tinulugan at pumasok ka sa school na hagard. Ilang bese na nanyare sa buhay ko yan. Halos mamatay na ko sa super pgka-hyper.





Mamimiss ko ang overnites dahil sa mga play at mga kung ano ano na gagawin. Kung di dahil siguro sa mga play na un, hindi kami magiging close ng section namin.





Mamimiss ko ang harutan sa loob ng room. Wala na kong babalikan na ganun ulit sa college. Bihira lan kung meron man.





Mamimiss ko ang Principal's Office na papasok ka lan para mag-pa xerox. Kesa naman sa makikipag-talo ka pa kay Robocop.





Mamimiss ko ang mga guards. Sila ang katangi tanging kontrabida sa buhay Maksci. Katangi-tangi kasi hindi naman sila teacher pero grabe pag nagalit sila. Daig pa nila Principal. Pero aus lan yan. Kahit pano, mamimiss ko ang pakikipag talo sa kanila tuwing practice at tuwing uwian. Lalo na pag may importante na gagwin.





Mamimiss ko ang mga libre na binibigay pag enrollment. Da best. May notebook ka na may ballpen pa. San ka pa? Haha. Plus, ang collectors item na Makati Tshirt na laging nag-iiba ng itsura every year. Wala ka nang hahanapin pa.





Mamimiss ko ang bwanang stipend na minsan na-lelate. Ayos lan, at least may pera parin. Pang-gala din sa rockwell yan. At pambayad sa mga utang. Haha.





Mamimiss ko ang batch assemblies na napuno ng kakulitan. May walang paki-alam, meron namang nangengealam di naman talaga kasama.





Mamimiss ko ang Makati March na hanggang ngayon di ko parin ma-figure out kung ano ang korek na tune. Baka grumaduate na ko di ko parin lam yan.





Mamimiss ko ang pila sa umaga. Na minsan na-coconjoined na ang isang section sa isa pang section (or worse...sa ibang batch). Lalo na ang napaka-melodic na boses ni Mam Go na kahit walang mic, may built-in microphone na sa loob ng lalamunan. Bilib din ako kay Mam kasi, sa araw araw na ginawa ni Lord, di ko pa xa narinig na napaos. Galeng diba?



Mamimiss ko ang cute na mga pusa na nagkalat sa bawat floor. Di ko lam kung pano sila nakakapasok at kung anong milagro ang ginawa nila kung pano nila naiiwasan ang mga omni. Haha.

Mamimiss ko ang mga soundtrip na walang kamatayan. Lalo na pag nag-coconcert ako sa room ng walang nakiki-alam. Haha. Sarap nun.

Mamimiss ko ang mga tawanan na hindi mapigil kahit na nagagalit na ang ka-guruan. Namatay na sa sobrang katatawanan. Pagkatapos di mapigilang umutot dahil sa kabag. Haha.

Mamimiss ko ang ghost hunting na wala nang ginawa kundi tumawa ibis matakot. Pano ka ba naman matatakot e pre-occupied na utak mo ng joke na ginawa nung mga nangunguna. Haha. Magpakita man ang ghost being, baka tumawa lan kami. Haha.

Mamimiss ko ang mga saksakan. Kung wala yan, di mabubuo ang bawat practice ng play.

Mamimiss ko ang kalye na nasa likod ng MakSci. Lalong di kumpleto ang practice pag di niyo naranasan na jan magpractice. Haha. Kasama na jan ang pagiging suki ni manong mambabalot.

Mamimiss ko ang Rockwell.. tambayan ng mga nag-cucutting sa MTAP, Vienna, at kung ano pa mang activities. Masarap jan sa Fully Booked, dun sa mei teens sections. Tago ang mga tao. Haha.

Pero sa lahat ng mamimiss ko, xempre un ang mga naging klasmeyts or kahit di na. Haha. Mamimiss ko lahat ng corny at di corny na jokes. Mamimiss ko lahat ng pambabara. Mamimiss ko lahat ng kwela. Mamimiss ko lahat ng agawan ng pagkain at lalo na ang hingian ng papel. Mamimiss ko ang mga harutan pag nagkikita sa corridor. Mamimiss ko ang teamwork tuwing nangangailangan ng tulong ang isa. Mamimiss ko ang bayaran ng utang. Mamimiss ko ang sing-along sa classroom. Mamimiss ko ang walang tulugan dahil sa paghahanda sa mga play at activities. Mamimiss ko ang pangungulit sa mga taong nag-aaral na dapt hindi na mag-aral (haha). Mamimiss ko ang mga overnites, na dapat may gagawin pero walang nagawa dahil sa matinding kwentuhan. Mamimiss ko ang matinding kulitan at lipatan ng section tuwing umaga. Lalo na pag nagagalit na si mam go. Mamimiss ko ang lahat ng pede kong mamiss sa inyo.

Hindi siguro kasya lahat ng nangyari sakin sa MakSci. Hindi ko rin masasabi na maaalala ko lahat ng nilalagay ko. Baka nga makalimutan ko narin ang iba na dating gustong gusto ko.

Pero isa lang ang hindi magbabago. Ka-batch ko kayo, ka-batch niyo ko. At kahit kelan, ang saya, ang lungkot, ang iyak at tawa na minsan mixed emotions pa, hindi mapapantayan ng kahit na sino. ^________^

Sunday, July 6, 2008

quel este votre nom

The French way of saying..."Who are you?"

In Tagalog..."Sino ka?"

Bisaya.."Ano ha imo ngalan?"

Text.."Hu u?"


Wala lang...gusto ko lang sabihin yan. Paki-alam mu ba???


Haha.


Prends soin!


Saturday, July 5, 2008

_ipiz_

Ipis na naglalakad
Ipis ng tahanan
Ipis na nalipad
Ipis ng katatakutan

...hindi ko alam kung bakit ang daming ipis. Kahit patayin mo pa sila, hindi sila mauubusan ng lahi. Siguro, kina-career nila ang sinabi ni Lord na go forth and multiply. At sa pagsunod nila sa Batas ng Kalikasan na nasasaad sa libro na nakuha ko sa Values Education namin, na nagsasabi na ang tao ay hindi dapat umasal na hayop dahil sila ay tao, na nangangahulugan lang na ang ipis ay dapat walang family planning dahil pang people yun at hindi para sa maitim na insektong tulad nila. Galeng diba.

Alam niyo ba na ang isang itlog ng cute na ipis ay nangangahulugan ng 500 cute na maliliit na ipis na maninirahan sa iyong tahanan??? Sila lang din ang katangi tanging hayop na nabuhay pa mula sa panahon kung saan may mga naglalakihang t-rex at kung anu mang tawag mo sa ibang hayop nung panahon na yon. Malakas ang survival skills nila. Haha.

Bilib din ako sa kanila. Kahit minsan nang-aaway sila ng walang dahilan. Maliit lan sila, pero talo ka pag lumipad na yan. Hahaha. Nakaka-amaze isipin na ang mga ipis, kahit color black sila, mararamdaman mo ang presence nila, lalo na pag-nalipad. Lalong nakaka-amaze na may stages in life din sila. Panisinin niyo, may maliit na ipis, ung mga tipong nursery to kindergarten palang. Mabilis silang tumakbo at maligalig. Mahirap na silang hulihin ng remote ng tv pag sumuot na sila sa binabasa mong libro. Ang sunod naman, yung elementary to highschool. Hindi sila ganun kaligalig pero mabilis din sila maglakad. Sila ung mga maglalakad ng mabilis tapos biglang titigil. Mga tipong nang-aasar at sasabihing "hulihin mo ko, hulihin mo ko..." tapos tatakbo ng mabilis. Maloko in short. Madalas mo silang makikita na palakad lakad mga 7 to 9 ng gabi. Gala hours nila yan.sunod naman is mga adults. Hindi na sila masyadong maloko. Madalas sila ung mga nagpupunta sa mga nalalaglag na kanin pag dinner time. Working na sila. Sila ung mga ipis na pag inapakan mo naglalabas ng fluid na puti (minsan itim pag masama ang ugali...haha) tapos nakakalakad parin. At habang ginagawa mo ang gore na pag-apak sa kawawang overtime-sa-pagtatrabaho na ipis, maririnig mo sa background ang kantang Fur Elisè na tinugtog pa ni Beethoven galing sa libingan, para lan sa ikakaganda ng scene. Next is ang mga preggy na ipis. Sila yung may parang may dala-dala na buto sa likod nila or buntot. Sila ang mga tagapagdala ng lahi ng sambayanang ipis. Madalas silang naglalakbay sa pader para hindi sila maapakan. Xempre, sino bang buntis ang gustong mamatay ang anak? Hindi sila masyadong lumilipad tulad ng ibang ipis. Baka malaglagan sila ng anak. (yess ang corny..haha). Last but not the least, ang pinaka cute sa kanilang lahat...ang senior citizens. Sila ang mga ipis na makikita mo sa bahay na napakabagal maglakad. Masarap silang hulihin kasi siguradong patay na sila pagkatapos. Isang apak lang, walis to go na. Hindi sila madalas lumipad. Weak na kasi ang mga kalamnan nila. Bihira lang sila makita. Madalas kasi nagtatago na sila sa lungga nila pag gabi. Mga overtime ipis ang umaabot at nagpaparty pips sa oras ng graveyard shift.

Yan ang mga kaalaman ko ukol sa ipis. Wag niyo na iprint. Kontento na kong nabasa niyo. Haha. As of the ipis, mas maganda kung mag-Baygon kayo. Ayaw nila yan. Polusyon yan sa hangin nila. Siguradong dedz yang mga yan the next day. Hahaha.

...ngekz

Bakit maraming tao ang nahuhulog sa chivalry???

Matagal tagal ko na tong essay, ngeon lan na-type. Nakakatamad naman kasi noh. Ako na nagsulat ako parin ang matype..haha.

Chivalry, isang bagay/gawain na...actually, ginagawa ng mga boys...este, pede narin ang mga girls ngeon. Pero mas prominente ang mga kalalakihan sa bagay na yan. In short, GENTLEMAN. Ayan. Mahirap gumawa ng ganitong essay. Xempre, lahat ata ng girls sa mundong earth, isa yan sa mga katangian na hinahanap sa isang guy. So parang sinabi ko narin na kinocontradict ko sarili ko. Haha. Well, this is essay is not related to me. Pananaw ko to sa isang "case" na narinig ko sa kaibigan ng friend ng klasmeyt ko. Haha. Okie?!

Ayoko na mag-cheverlu at mag-double ikot. Super kasi ang tpic na to. Bakit nga bang maraming mulala na girls (well, sa totoo lan,wala talaga ako maisip na term..haha) na nahuhulog jan AGAD. Actually, di naman talaga mulala. Masisisi mo ba ang girl kung ang guy ang gumawa ng first move? Of course not.

Marami na kong narinig na story na nag-start sa sC. Short for simpleng chivalry. To all people out there, please lan, as in... hindi sa pinapababa ko ang katauhan ng pagkatao at pag-asa sa buhay niyo, pero ito lan talaga ang masasabi ko jan. Wag kayo masyado mag-ASSUME. Sa huli, kayo rin ang talo. Direct ba? Kasi masyadong mahaba pag nilagyan ko ng intro. Haha. Kung assuming ka, or masyadong nangangarap/umaasa, lalo ka lang masasaktan pag iniwan ka. Hindi naman lam ang true motive nung guy, kaya in the first place, wag mag-assume nang lalagpas sa kakayahan ng isang normal na tao.

To the guys out there, kung talagang your courting the girl at hindi niyo masabi ng direct, at ang katangi-tanging paraan ng pag-express nun is chivalry, then do it with a sense and sincerity. Sense kasi minsan, oo nga chivalrous, pero OA naman. KAtulad ng mga mag-bf/gf sa tabi-tabi na dala nung guy ung shoulder bag nung girl. Actually, sa iba sweet yun. Pero diba ang pangit naman tignan. Yakang-yaka naman ng girl ang napaka-gaan na shoulder bag, what's there to help? Buti sana kung mei lamang bigas ung dakilang bag. Sincerity, dahil sa hindi mag-work out ang lahat kung wala nun. Girls tend to be sensitive, kahit minsan di halata. Wag niyo abusuhin. Minsan di kami nag-rereact, pero nakikiramdam lan kami. Hahaha.

Caution: Bago gumawa ng isang bagay, think about it first. Odd tignan ang mga actions na di naman pinag-isipan at walang sense. Mahirap actually intindihin ang opposite sex, pero, sana ma-realize ng lahat ng tao na walang gender discrimination pagdating jan.

At kung ang ibang tao naman ay parang mala-Confucius ang drama...well, wala na ko magagawa jan. Sa panahon ngayon, good things are not gained from others, its a blessing from God. Kung sa bawat ikikilos mo, may iniisip kang kapalit from another person or kung sino man...get a life. Wag ka nalang gumawa ng good things at wag ka naring mag-sort things out. Love doesn't pressure, it gives. It is not selfish, it understands.

Thursday, July 3, 2008

nalipad na brain

mukang wala na talaga akong pag-asang umasenso sa math. este, algebra. ewan. pag nakakakita ako ng problem na numbers...nababaliw na utak ko. parang sasaniban na ba. yung pakiramdam na may bubulong sayo na "hindi mo kaya yan. lumipat ka na sa ibang number" tapos, lilipat ka naman. babasahin ang tanong at uulit ang eksena sa brain mo. hanggang sa in the end wala ka nang nasagutan dahil sa "lilipat ka" sa ibang problem. buti pa ang ibang utak, tinatamad magbasa ng problem kapag mahaba. e kamusta naman ang brain cells ko, nabasa na...namugto na mata ko kakabasa...na-drain na lahat ng pwedeng ma-drain...mali parin ang sagot. grabe.

minsan tinanong ko sarili ko. bakit ko ba kelangan ng math...? e ni hindi nga ako mag-engineering sa college? wala din akong balak na kumuha ng course na may duguang math. buti pa ang letters, nakakabuo ng wika na isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura, o kaya naman ung meaning ni sir bo na ang wika ay kahit anong tunog na naiintindihan ng kapwa mo tao. e numbers ba nakakaform nang sentence??? eg: 45 0960 183+ 97 +++ ==... kamusta ang kalalabasan nun. Haha.

Dun sa binasa kong libro...ng walang iba kundi si Bob Ong ang gumawa...may alibugho din siya sa nasabing subject na mamumugto ang mata mo kakabasa at madre-drain ang lahat ng pwedeng ma-drain sa katawan mo. panu ba naman kasi, mababaliw ka. kung sa english, pede pa iconsider ang wrong spelling...dito, ma-wrong number ka lan, kahit .000001, mali na.

Masosolve ba ng math ang crisis ng pilipinas sa bigas? bababa ba ang kuryente sa meralco pag nasolve ko ang quardatic equations? may theory ba sa geometry na nagpapaliwanag kung bakit maraming masamang tao sa mundo na walang ginawa kungdi pumatay at magnakaw? may magagawa ba ang functions sa mga tiwaling gobyerno? ewan. magulo ang buhay. magulo ang mundo. kaya nagtataka ako kung bakit may ingredient na kasama sa life na ang name ay math.

Kung sa bagay nga naman, ma-mumulala ka pag wala kang alam sa math. pano ka nga naman bibili ng pinaka-aasam asam mo na bagay kung hindi ka marunong magbilang? siguro nga may dahilan bakit may math sa mundo. siguro nga may dahilan kung bakit ako nagkakaganito. siguro rin, nung nagbuhos si Lord ng biyaya ng talino sa math, masayang masaya akong nanunuod ng spongebob squarepants habang naglalaro ng lutu-lutuan. malay natin, habang nagbubuhos ng biyaya sa kalangitan, nag-iinternet ka sa internet cafe kung saan tinitignan mo pa ang katabi mo na cute at pilit kang nag-aambisyon na nakatingin din siya sayo. umasa ka pa.

At dahil dito, nagtatapos na ang pag-aaagam agam ko sa dakilang asignatura na umabot pa kay Plato at Newton. Ang subject kung saan mamumugto ang mata mo kakabasa at madre-drain ang lahat ng pedeng ma-drain sa katawan mo... ang walang kamatayang Math. Mag-aaral pa ko. mamamatay na ko bukas bilang isang mandirigma ng kapalaran na walang ibang hinangad kundi ang pumasa man lang sa test sa asignaturang nagpa-drain ng utak ko at nagpadugo ng ilong ko. Haha.

Wednesday, July 2, 2008

Nakita ko nang lahat ito

Kung sa tingin mo wala akong magawa sa buhay ko kaya ako nag-blog, umasa kang tama ka. Haha. Wala lan talaga mapag-abalahan dito. Mabuti nga na wala kesa sa sandamakmak na meron.

Nadejabu..ewan, nakailang dejabu ako kanina. Katulad nung nagdrowing ako nung mukha nung teacher ko kanina tapos nangungulet sa katabi ko. Nadejabu..alam ko nangyari na yun. Baka sa panaginip ko lan yun. Naligaw nanaman ng landas.

Tapos, aun na nga. Nagdrodrowing ako ng mukha nung teacher ko na nagdadaldal sa harap kung ano at sino ang naka-discover sa calculus. May buhaghag siya na buhok...at mahilig tumingkayad pag nagsasalita. Nag-tatally pa nga kami nung mga katabi ko kung ilang beses siya titingkayad. Tapos itataas ang kamay na parang nagtuturo ng kanta ni Mozart. Oo, parang ganun. Tapos sasabihin niya ang walang kamatayang salita. Ang "noh?". At dun na nagsisimula ang pagtatally ng walang kamatayang tingkayad at walang ka-kupas kupas na "noh".

Madami pa. Nadejabu..ulet ako. Nung test namin sa isang subject. Baket kaya na-dedejabu ako. At wrong timing pa dahil nag-coconcentrate ako sa pagsosolve ng mga dot-dot. Ang everlasting na 'x' at 'y'. Da best. Kaya nga nung naisip ko na parang nangyare na yun, nagkakumpyansa kagad ako na ma-call parent. Sana naman hindi. Delikado ako sa aking nanay pag bumagsak ako.

Haayy. Der ar sumthingz in dis wurld..u jaz cant eksplayn.

Pag nakuha niyo na ang rason ng nadejabu,paki sabi.. para malaman ko kung san nanggaling mga panaginip ko.

Haha.

Sunday, June 29, 2008

music sheet


music sheet ng 'at the beginning' sa Anastasia
1st 2nd 3rd 4th

5th 6th 7th
ndi na ko nagtataka kung bakit hanggang ngaun d ko matapos tapos tung piece na to..an haba nga,,
..pls post ng comment if kumuha kayo ng copy nito.

sa mga walang magawa

..sa mga adik

..sa mga baliw

..sa mga walang magawa sa buhay

..sa mga malikot ang isipan


mag punta lamang sa www.akosiyol.blogspot.com


madadagdagan ang kaalaman nio sa mundo


PAALALA: Kung inosente ka pa at wala pang bahid ang iyong malinis na isipan, mas makabubuti kung wag ka na lang pumunta sa nasabing site.