Kung sa tingin mo wala akong magawa sa buhay ko kaya ako nag-blog, umasa kang tama ka. Haha. Wala lan talaga mapag-abalahan dito. Mabuti nga na wala kesa sa sandamakmak na meron.
Nadejabu..ewan, nakailang dejabu ako kanina. Katulad nung nagdrowing ako nung mukha nung teacher ko kanina tapos nangungulet sa katabi ko. Nadejabu..alam ko nangyari na yun. Baka sa panaginip ko lan yun. Naligaw nanaman ng landas.
Tapos, aun na nga. Nagdrodrowing ako ng mukha nung teacher ko na nagdadaldal sa harap kung ano at sino ang naka-discover sa calculus. May buhaghag siya na buhok...at mahilig tumingkayad pag nagsasalita. Nag-tatally pa nga kami nung mga katabi ko kung ilang beses siya titingkayad. Tapos itataas ang kamay na parang nagtuturo ng kanta ni Mozart. Oo, parang ganun. Tapos sasabihin niya ang walang kamatayang salita. Ang "noh?". At dun na nagsisimula ang pagtatally ng walang kamatayang tingkayad at walang ka-kupas kupas na "noh".
Madami pa. Nadejabu..ulet ako. Nung test namin sa isang subject. Baket kaya na-dedejabu ako. At wrong timing pa dahil nag-coconcentrate ako sa pagsosolve ng mga dot-dot. Ang everlasting na 'x' at 'y'. Da best. Kaya nga nung naisip ko na parang nangyare na yun, nagkakumpyansa kagad ako na ma-call parent. Sana naman hindi. Delikado ako sa aking nanay pag bumagsak ako.
Haayy. Der ar sumthingz in dis wurld..u jaz cant eksplayn.
Pag nakuha niyo na ang rason ng nadejabu,paki sabi.. para malaman ko kung san nanggaling mga panaginip ko.
Haha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
one word, jeb...
PREMONITIONS
:D
Post a Comment